Security Guard Arestado Matapos Gahasain ang Menor de Edad na Anak

Isang security guard ang naaresto matapos gahasain ang kanyang menor de edad na anak sa Quezon City noong Lunes ng madaling araw. Alamin ang mga detalye ng insidente at ang mga hakbang na ginawa ng pulisya.

0
239
Sekyu na nanggahasa sa sariling anak tiklo sa QC
Sekyu na nanggahasa sa sariling anak tiklo sa QC
top

Arestado ang isang security guard matapos gahasain ang kanyang menor de edad na anak sa Quezon City noong Lunes ng madaling araw.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Ferdinand Casiano, station commander ng QCPD Station 9, dumulog sa kanilang istasyon ang kaanak ng 16-anyos na biktima kaya agad silang nagsagawa ng hot pursuit operation. Naaresto ang suspek sa kanyang pinapasukang trabaho sa Araneta Avenue, Quezon City.

inline

“Nagreport po sa atin dito ang kanyang magulang kasama ang menor de edad na anak na sinasabing biktima ng panggagahasa. Ayon sa ulat, nakainom ang suspek nang maganap ang krimen, at wala ang ina ng biktima sa mga oras na iyon,” sabi ni Casiano.

Aminado ang suspek sa nagawang krimen. Dati na rin siyang nakulong dahil sa kasong serious physical injuries.

“Humihingi po ako ng pasensya sa pamilya ng aking asawa at sa aking pamilya, lalo na sa anak ko sa nagawa kong mali. Sobrang pagsisisi ko at kung bibigyan ako ng pagkakataon, babawi ako nang sobra-sobra,” sabi ng suspek.

Nakakulong ngayon sa Anonas Police Station ang suspek at nahaharap sa reklamong statutory rape.

Comments

comments

favhosting.com bottom