Inanunsyo mismo ni senate majority leader Juan Miguel Zubir sa kanyang facebook page ngayong Lunes lamang, Marso 16, 2020, na siya ay nagpositibo sa COVID-19 matapos ang ilang pagsusuri na ginawa sa kaniya.
Si senator Zubiri din ay ang kauna-unahang opisyal ng pamahalaan na nag-positibo sa COVID-19.
Narito ang kanyang pahayag!
“I had a test taken last Friday while on self-quarantine and this afternoon, I received a call from Sec. [Francisco] Duque [III] on my condition. My heart sank with what he had said.”
“My decision to self-quarantine last Wednesday evening after session was the best decision I made and could have protected my family from contamination.”
Hindi siya makapaniwala na nagkaroon o mahahawaan siya ng corona virus kahit pa man sinunod niya ang ‘social distancing’ na ipinatupad ng pamahalaan. Hindi nga rin daw siya nakipagkamay.
“This just goes to show how easily this virus is spread and therefore it is best for everyone to stay home and stay clean. As for me, I will stay locked in isolation for 10 more days until i get checked once again with hopefully a negative result.” dagdag ni Zubire.
Kabilang ang mga senador na sina Nancy Binay, Franklin Drilon, Sherwin Gatchalian, Panfilo Lacson, Lito Lapid, Imee Marcos, Francis Pangilinan, Ramon Revilla Jr. at Francis Tolentino sa mga sumasailalim sa self-quarantined ngayon.
Source: Facebook