Serbisyo ng 3rd telco player magagamit na sa kalagitnaan ng taong 2019 – DOTC

Serbisyo ng 3rd telco player magagamit na sa kalagitnaan ng taong 2019 - DOTC

0
1879
photo from entrepreneur.com.ph

Tiniyak ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Acting Secretary Eliseo Rio Jr. kay Pangulong Rodrigo Duterte na magagamit na ng mga mobile phone users ang serbisyo ng third telco player sa kalagitnaan ng 2019.

Ang pagtiyak ay ginawa ng DICT chief matapos na matanong ng Presidente at kamustahin ang usad ng telco project ng pamahalaan na inaasahang bubuwag sa kasalukuyang duopoly ng dalawang higanteng telcos na nag-ooperate sa bansa.

Utos ng Pangulo kay Rio, gawin lang ang trabaho at huwag intindihin ang mga nakapag- papaantala sa operasyon ng third telco player.

Isa na aniya dito ang pagdulog at paghingi sa korte ng temporary restraining order na ayon din sa Pangulo ay nagsisilbing gatasan o pinagka-kwartahan ng ilang nasa hudikatura.

Bukod dito’y pinatitiyak din ni Pangulong Duterte kay Rio na walang nangyayari at walang mangyayaring korapsiyon sa gitna ng itinutulak ng administrasyon na ikatlong telco player na titibag sa paghahari ng dalawang giant telco company.

Una nang pinangalanan ang Mislatel na pag-aari ni businessman Dennis Uy bilang third telco player pero ito’y provisional pa lamang gayung kailangang maka-abot ito sa kanilang commitment na 27 megabytes per second sa unang taon at 55mbps sa loob lang ng apat na taon.

source: Radyo Pilipinas | ulat ni Alvin Baltazar

Comments

comments