SolGen Hiniling sa Korte Suprema na Ibabasura ang Petisyon Laban sa 2025 Budget

0
439
top

Hiniling ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema na ibasura ang petisyon na kumukuwestiyon sa konstitusyunalidad ng pambansang budget para sa 2025.

Sa isang 89-pahinang komento na may petsang Pebrero 27, iginiit ng OSG na hindi pasado sa mga rekisito ng judicial review ang petisyon dahil sa kawalan ng isang “aktwal na kaso o kontrobersya” at iba pang teknikal na kakulangan.

inline

“Ang petisyon sa harap ng Kagalang-galang na Hukuman ay hindi nagpapakita ng tunay na alalahanin para sa integridad ng Konstitusyon, kundi isang pagtatangka lamang upang harangin ang pagpapatupad ng isang batas na mahalaga sa pag-unlad ng bansa at kapakanan ng mamamayan,” ayon sa pahayag ng OSG.

Si Rep. Isidro Ungab (Davao, 1st District), dating executive secretary Vic Rodriguez, at anim na iba pa ang naghain ng petisyon noong Enero 27 upang ideklarang labag sa Konstitusyon ang P6.325-trilyong pambansang budget. Tinawag nilang “ilegal at kriminal” ang General Appropriations Act (GAA).

Isyu sa “Blank Line Items”

Isa sa mga pangunahing batayan ng petisyon ang umano’y mga “blank line items” sa budget, paglabag sa Universal Health Care Act (UHCA), kakulangan ng prayoridad sa sektor ng edukasyon, at pagtanggal ng pondo para sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Gayunpaman, iginiit ng Kongreso na ang mga blankong espasyo ay hindi bahagi ng opisyal na budget bill na ipinadala kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. o sa pinirmahang GAA. Ayon kay House Appropriations Acting Chair Stella Quimbo, lumitaw lamang ang mga blankong item sa bicameral conference committee report at isang teknikal na isyu na maaaring ayusin ng kanilang technical staff.

Pondo sa Edukasyon

Binanggit din ng OSG ang kontrobersyal na usapin sa budget para sa edukasyon, kung saan binatikos ang pagbawas sa pondo at ang pagsama ng ilang ahensya ng gobyerno, tulad ng mga akademyang militar, sa sektor ng edukasyon.

Ayon sa OSG, bagama’t umabot sa P1.056 trilyon ang inilaang budget para sa edukasyon, kasama rito ang mga proyektong pang-imprastruktura ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ang ikalawang bahagi ng salary increase sa ilalim ng Miscellaneous Personnel Benefits Fund.

Sa paghahambing, nakatanggap ng P1.034 trilyon ang DPWH.

Giit ng OSG, sumusunod pa rin ang budget sa mandato ng Konstitusyon na bigyang-prayoridad ang edukasyon, dahil ang mga pondong inilaan sa ibang ahensya sa loob ng sektor ng edukasyon ay nakatuon pa rin sa akademikong instruksyon at pagsasanay ng mga mag-aaral.

Oral Arguments sa Korte Suprema

Inatasan ng Korte Suprema si Quimbo at ang mga miyembro ng technical working group na dumalo sa oral arguments kaugnay ng petisyon sa Abril 1.

Comments

comments

favhosting.com bottom