Tangkang panggugulo ng NPA sa halalan sa Albay, napigilan ng militar

Tangkang panggugulo ng NPA sa halalan sa Albay, napigilan ng militar

0
200
Tangkang panggugulo ng NPA sa halalan sa Albay, napigilan ng militar

Napigilan ng mga tropa ng 49th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army ang tangkang panggugulo sa halalan ng New People’s Army (NPA) sa Albay kahapon.

Ito’y matapos na maka-enkwentro ng mga tropa ang limang armadong teroristang komunista na isinumbong ng mga residente sa Sitio Lilibdon, Barangay Maogog, Jovellar, Albay, kahapon ng alas-5 ng umaga.

Makalipas ang walong minutong palitan ng putok, narekober ng mga rumespondeng tropa sa encounter site ang isang M16 rifle, isang Cal. 45, mga gamit pangkomunikasyon at mga personal na gamit ng kalaban.

Ayon kay Major General Alex Luna, Commander ng 9th Infantry (SPEAR) Division at ng Joint Task Force Bicolandia (JTFB), ang matagumpay na operasyon ay bunga ng mahigpit na seguridad na ipinatupad ng gobyerno sa 2022 National and Local Elections.

Comments

comments