17 riding-in-tandem na mga kriminal nahuli ng PNP sa loob lamang ng 19 na araw

17 riding-in-tandem na mga kriminal nahuli ng PNP sa loob lamang ng 19 na araw

1
869

Nasa 17 mga riding-in-tandem na kriminal ang nahuli ng Philippine National Police (PNP) sa loob lamang ng 19 araw. Dalawa rito ay napaslang makaraang manlaban habang 15 ang naaresto.

Ayon sa ulat ng DWIZ, sinabi ni PNP Spokesperson Chief Superintendent Dionardo Carlos na nasa 152 ang mga naitalang krimen na may kinalaman sa motorcycle riding in tandems incident.

Nasa 155 pang mga suspek sa mga kaso ng pagpaslang at pagnanakaw ang patuloy pa ring pinaghahahanap ng awtoridad.

Matatandaang inihayag ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa na kanila nang tututukan ang mga riding-in-tandem na kriminal makaraang alisin sa PNP ang paghawak sa war on drugs at ilipat sa PDEA.

Pinayuhan din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PNP na huwag nang makialam sa war on drugs at kanilang tutukan ang mga kaso ng kidnapping at mga riding-in-tandem.

Source :

DWIZBalita DFRappler

 

Comments

comments

Comments are closed.