Customs, ipamamahagi ang mga nakumpiskang bigas

Customs, ipamamahagi ang mga nakumpiskang bigas

0
257
photo from International Business Times Philippines

Ipamimigay na sa mga nasalanta ng kalamidad ang mga nakumpiskang smuggled rice.

Ito ay matapos magkasundo ang Kamara at ang Department of Finance (DOF) na ipamigay na lamang sa mga biktima ng kalamidad ang mga nakumpiskang smuggled rice.

Naunang iminungkahi ni House Committee on Ways and Means Chairman Dakila Cua na ipamigay na lamang sa mga nasalanta ng kalamidad ang nabanggit na mga bigas.

Sa padinig ng komite ay sinabi ni Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua na pumapayag at walang pagtutol si Finance Secretary Carlos Dominguez III na ipamigay sa mga nasalanta ng sunud-sunod na bagyo ang mga nakumpiskang bigas ng Bureau of Customs.

Sinabi ni Chua na pinag-aaralan na ng ahensya kung sa paanong paraan maisasagawa ito.

Ayon naman kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Florita Villar na magsusumite ang kagawaran ng umiiral na guidelines na sinusunod sa pamamahagi ng mga donasyon na bigas mula sa gobyerno.

Nagsumite naman na si Cua ng liham kay Customs Commissioner Isidro Lapeña para hilingin na ibigay na lamang sa DSWD ang nasabat na 50,000 sako na smuggled na bigas.

Ipinauubaya naman ni Lapeña sa DOF at sa National Food Authority ang pag-apruba sa mungkahing ito ni Cua. (Meliza Maluntag)

source: remate.ph

Comments

comments