Duterte Youth pinatitigil ang posibleng substitution ni Rowena Guanzon sa isang party-list

0
696

PINATITIGIL ngayon ng Duterte Youth ang posibleng substitution ni Rowena Guanzon sa isang party-list. Ang dalawa ay una nang nagkaroon ng alitan sa parehong isyu pero baliktad na ngayon ang kanilang posisyon.

Binalikan ngayon ng grupong Duterte Youth si dating COMELEC Commissioner Rowena Guanzon sa naging alitan ng dalawa sa isyu ng partylist substitution.

Pinakikilos ngayon ng Duterte Youth Party-list ang Kamara na hikayatin ang Commission on Elections (COMELEC) na higpitan ang mga patakaran sa substitution ng nominees sa party-list elections.

Sa inihain na House Resolution No. 2591, ipinunto ni Ducille Marie Cardema na isang panunuya sa batas ang ginagawang substitution o pagpapalit ng nominees isang araw bago ang halalan.

Nawawalang saysay aniya dito ang konstitusyon, ang dalawang kampo ay nagpalitan lamang ng posisyon.

Sa halalan noong 2019, yan mismo ang sinabi ni Rowena Guanzon sa party-list ni Cardema nang sinubukang magpalit ng nominees matapos ang itinakdang deadline ayon sa batas.

Sa isang pahayag na inilabas ngayong araw sa media, sinabi ni Cardema na si Guanzon na mismo ang nagharang sa kanyang sarili sa planong mag substitute sa P3 PWD partylist.

“Ngayon, wala ka na sa gobyerno, a non-party-list nominee who is purported to be the representative of a winning party-list? Not so fast, YOU ARE PROHIBITED FROM SUBSTITUTING NOW, NOT BY US, BUT BY YOUR OWN PROMULGATED RULES,” ayon kay Rep. Marie Cardema Duterte, Youth Party-list.

Sang-ayon naman ang COMELEC sa pahayag ni Cardema.

Ayon kay Acting COMELEC Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco ito ay alinsunod sa patakaran ng halalan.

“Yan po yung rule eh. Ang exception lang naman talaga is yung death and incapacity, and at the same time nakalagay naman sa batas ang rules of succession. Kaya nga po minimum of 5, it’s not just five, its minimum of five nominees. Ano man ang nangyari dun sa mga naunang nominees?, mag-aakyatan lang,” pahayag ni Atty. John Rex Laudiangco, acting COMELEC spokesperson.

Sa kabila nito ay nilinaw ng tagapagsalita na posibleng mapalitan pa rin ang nominees kung papayagan sila ng COMELEC matapos imbestigahan at nagkaroon ng sapat na dahilan.

Pinakikilos ngayon ng Duterte Youth Party-list ang Kamara na hikayatin ang Commission on Elections (COMELEC) na higpitan ang mga patakaran sa substitution ng nominees sa party-list elections.

Sa inihain na House Resolution No. 2591, ipinunto ni Ducille Marie Cardema na isang panunuya sa batas ang ginagawang substitution o pagpapalit ng nominees isang araw bago ang halalan.

Nawawalang saysay aniya dito ang konstitusyon, ang dalawang kampo ay nagpalitan lamang ng posisyon.

Sa halalan noong 2019, yan mismo ang sinabi ni Rowena Guanzon sa party-list ni Cardema nang sinubukang magpalit ng nominees matapos ang itinakdang deadline ayon sa batas.

Sa isang pahayag na inilabas ngayong araw sa media, sinabi ni Cardema na si Guanzon na mismo ang nagharang sa kanyang sarili sa planong mag substitute sa P3 PWD partylist.

“Ngayon, wala ka na sa gobyerno, a non-party-list nominee who is purported to be the representative of a winning party-list? Not so fast, YOU ARE PROHIBITED FROM SUBSTITUTING NOW, NOT BY US, BUT BY YOUR OWN PROMULGATED RULES, ayon kay Rep. Marie Cardema Duterte, Youth Party-list.

Sang-ayon naman ang COMELEC sa pahayag ni Cardema.

Ayon kay Acting COMELEC Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco ito ay alinsunod sa patakaran ng halalan.

 “Yan po yung rule eh. Ang exception lang naman talaga is yung death and incapacity, and at the same time nakalagay naman sa batas ang rules of succession. Kaya nga po minimum of 5, it’s not just five, its minimum of five nominees. Ano man ang nangyari dun sa mga naunang nominees?, mag-aakyatan lang,” pahayag ni Atty. John Rex Laudiangco, acting COMELEC spokesperson.

Sa kabila nito ay nilinaw ng tagapagsalita na posibleng mapalitan pa rin ang nominees kung papayagan sila ng COMELEC matapos imbestigahan at nagkaroon ng sapat na dahilan.

“First kung talaga sila ay nanalo at nag-withdraw, we have to determine ano ang reason bakit ka nag-wi-withdraw. Una pala identity, kayo ba talaga ang nag file ng con-can, at kayo ba ngayong ang totoong nag-wiwithdraw. 2nd, yung withdrawal nyo ba walang threat, walang collusion, walang conspiracy or pagsasabwatan. 3rd, ano yun reason mo bakit ka mag wi-withdraw given na ito na ang sirkumstansya ng partylist mo? Yan po ang inaalam ng COMELEC that is why hearings are conducted on cases like this,” ani ni Atty. Laudiangco.

Sa kabila ng lumalaking isyu ng dating commissioner ay nilinaw naman ng COMELEC na wala pa silang natatanggap na rekwest para sa inaasahang substitution ni Guanzon.

Comments

comments