Ibat-ibang improvised na armas, bala, patalim, at droga, natagpuan sa loob ng QC Jail

Ibat-ibang improvised na armas, bala, patalim, at droga, natagpuan sa loob ng QC Jail

0
312
Ibat-ibang improvised na armas, bala, patalim, at droga, natagpuan sa loob ng QC Jail

NATAGPUAN sa loob ng Quezon City Jail ang sari-saring improvised na armas, bala, patalim, at iba’t ibang droga, matapos ikasa ang Intelligence Driven o Greyhound Operation sa loob ng Quezon City Jail Male Dormitory (QCJMD).

Ayon kay Jail Warden JSupt. Michelle Bonto ng Intelligence Information, sadyang isinagawa ang kaguluhan noong nakaraang araw para pilitin na tanggalin ang kasalukuyang jail warden upang malayang lumaganap ang kalakalan ng iligal na droga sa loob ng kulungan.

Kung kaya’t tinutukan ng Greyhound Operation ang mga dating inookupahang jail cell ng persons deprived of liberty (PDL) ng mga salarin na sangkot sa riot.

Nadiskubre ng mga Intelligence ng Greyhound Operation na ang nasabing kotrabando ay may siniksik sa pader at ilalim ng sahig, kaya hinukay ito upang matuklasan ang mga nakatagong kontrabando na nasa konkretong simento.

Nakuha ang mga improvised na mga armas katulad ng 38 caliber, revolver, mga bala ng 45, ibat ibang uri ng patalim, 700 grams ng kush/marijuana bricks, 24 piraso ng marijuana sachets, mga improvised knife/bladed weapons, 30 piraso ng ice pick, mga cellphone at iba pa.

(c) smni

Comments

comments