Pang. Duterte, nagsagawa ng aerial inspection sa mga sinalanta ng Bagyong Ompong

Pang. Duterte, nagsagawa ng aerial inspection sa mga sinalanta ng Bagyong Ompong

0
1129

Nagsagawa si Pangulong Rodrigo Duterte ng aerial inspection sa mga lugar na matinding sinalanta ng Bagyong Ompong.

Ibinahagi ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go ang ilang larawan ng naturang inspeksyon.

Sa press briefing sa Tuguegarao, sinabi ng Punong Ehekutibo na nais niyang matiyak ang maayos na pagtatrabaho ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno para tugunan ang mga pangangailangan ng mga apektadong mamamayan.

Aniya, ipagpapatuloy ang pagtutok ng gobyerno sa mga apektadong lugar.

photo from rappler

Sa ngayon, umabot na sa 25 katao ang nasawi sa pananalasa ng naturang bagyo sa bahagi ng Northern Luzon.

photo from gma

source: radyo inquirer

Comments

comments