Home Blog Page 6

Multinational Village sa Parañaque, Nagmistulang Chinese military territory dahil sa rami at mga porma nito

Sunod-sunod ang mga natatanggap na reklamo ni Sen. Idol Raffy Tulfo mula sa mga homeowners ng Multinational Village sa Parañaque City tungkol sa pagsakop na ng mga Chinese national sa kanilang lugar. Nagmistulang Chinese territory na raw ang kanilang subdivision.

Ang malupit, sa isang nirerentahan nilang bahay halimbawa, nagsisiksikan daw ang hanggang sa 30 Chinese nationals na naninirahan doon.

Marami rin sa mga homeowners ang natatakot at nagtataka kung mga miyembro ba raw sila ng Chinese military dahil sa kanilang asta at anyo — ang gupit ay military haircut at pare-pareho ang kanilang suot na athletic attire tuwing nagja-jogging. Sa gabi, gising daw ang mga ito ng magdamagan.

May duda rin ang mga residente na maaaring may mga POGO nang nagooperate sa loob ng kanilang village.
Ipinarating na raw nila sa presidente ng kanilang homeowners ang kanilang pangamba pero dinededma lang daw sila nito.

Kaya agad namang tinawagan ng Raffy Tulfo in Action ang Presidential Anti-Organized Crime Task Force, National Bureau of Investigation at ang Bureau of Immigration para imbestigahan kung ano ang mga status at ginagawa ng mga Chinese nationals na ito sa Multinational village. Nangako naman ang nasabing mga ahensya na agad nilang aaksyunan ang sumbong. ABANGAN!

Gayunpaman, sa Lunes, Hunyo 3, maghahain ng Senate resolution in aid of legislation si Sen. Idol para imbestigahan ang kasong ito.

Post mula kay Raffy Tulfo in Action fb

Bagong Kasambahay, Pinatay ang Amo sa Cavite

0

Isang babae na tatlong araw pa lamang namamasukan bilang kasambahay ang pinatay ang amo sa loob ng bahay nito sa General Trias, Cavite.

Sa ulat ni Tina Panganiban-Perez sa “State of the Nation,” makikita sa CCTV footage na tinakpan ng suspek na kinilalang si alyas “Nessa” ang camera. Napansin ng biktimang si Ruby Castro na may takip sa camera kaya tinanggal niya ito. Ngunit muli itong tinakpan ni alyas “Nessa,” at dito na maririnig ang isang sumisigaw at tahol ng aso.

Kalaunan, natagpuang wala nang buhay si Castro at lumabas sa autopsy na pinatay siya sa sakal umano. Ayon sa mga awtoridad, posibleng pagnanakaw ang motibo sa likod ng pagpatay.

“Tatlo po sila na nagplano. Tinarget po talaga. They had planned it. It is premeditated,” sabi ni General Trias Police chief Police Lieutenant Colonel Jose Naparato Jr.

“Ang gamit po sa pagsakal ay isang panyo. At nagtulong po ‘yung si alias Nessa at ‘yung kaniyang manliligaw na si alias Dondon sa pagsakal sa ating biktima,” dagdag niya.

Sa unang pahayag ni “Nessa” sa pulisya, itinuro niya bilang mastermind ang matalik na kaibigan ng biktima. Ngunit nang makapanayam ng GMA Integrated News, sinabi ni “Nessa” na ang isa pang kasambahay ang tunay na mastermind. Ang itinuturo ni “Nessa” na isa pang kasambahay, lumapit sa pulisya at itinangging siya ang mastermind.

Sa paghaharap ng mga suspek at mga kaanak ng biktima sa piskalya, muling binawi ni “Nessa” ang kaniyang sinabi. Ayon sa anak ng biktima, sangkot ang matalik nitong kaibigan sa krimen.

“Araw-araw niya pong kasama at alam niya ang lahat ng kilos ng nanay ko tsaka mga lakad po. Dahil sa pera po,” sabi ni Jaek Palalay, anak ng biktima.

“Sana mapatawad nila po ako. Na-brainwash lang po ako. Kasi po sabi po kasi nila, hati-hati kami para mabigyan ko ng pera ang mga anak ko, magbagong buhay,” sabi ni “Nessa.”

Na-inquest na ang tatlong suspek, na nahaharap sa reklamong robbery with homicide.

source: gma news

DFA, DND have no record of ‘gentleman’s agreement’

Defense Undersecretary Ignacio Madriaga said the DND is “not privy to any gentleman’s agreement with China” and has no record “detailing or potentially showing the contours of a deal.”

OFFICIALS from the Department of Foreign Affairs (DFA) and the Department of National Defense (DND) on Monday told members of the House of Representatives they were not aware of the purported “gentleman’s agreement” between former president Rodrigo Duterte and China concerning the West Philippine Sea (WPS).

DFA Assistant Secretary Aileen Mendiola-Rau said the department “has no record of a gentleman’s agreement. ..with regard to Ayungin Shoal” and reiterated that “the Philippines has not entered into any agreement abandoning its sovereign rights and jurisdiction over its exclusive economic zone and continental shelf including on the Ayungin Shoal.”

(c) manila times

Magkapatid na umawat sa rambulan ng mga nag-iinuman, nasaksak

MAYNILA — Arestado ang tatlong lalaki na sangkot sa pananaksak sa magkapatid sa Malabon City noong Linggo, na ikinamatay ng isa sa kanila.

Patay ang 37-anyos na si alyas “Dano”, habang sugatan ang 27-anyos niyang kapatid na si alyas “Gerald”. Ayon sa mga pulis, sinubukan nilang umawat sa rambulan sa kanilang lugar.

Sa imbestigasyon ng Malabon City police, nilusob ng tatlong lalaki at isa pang kasama ang bahay ng isang kapitbahay na sumita sa kanila habang nag-iinuman.

“Sinita sila dahil maingay, apat na oras na silang umiinom… Nairita ang mga umiinom na ito, sinundan nila ang sumita, pinigilan sila ng mga occupants,” sabi ni Malabon police chief Col. Jay Baybayan.

Nang tumulong umawat sina “Dano” at “Gerald”, sila na ang napagbalingan ng galit ng mga lasing.

May hawak na bolo ang dalawang suspek na nakipag-away sa mga biktima, batay sa cellphone video na nakuhanan ng ilang residente.

Nakita rin sa video na natumba si “Dano” nang masaksak sa likod, tagiliran, at dibdib. Agad siyang namatay, ayon sa pulis.

Dinala sa ospital si “Gerald” na sinaksak naman sa balikat.

Ayon sa mga nahuling suspek, ang kasamahan nilang nakatakas ang sumaksak sa mga biktima at napulot lang nila ang bolo sa eskinita.

Sasampahan ng kasong murder ang tatlong naarestong suspek habang pinaghahanap pa ang kanilang kasamahan.

Lalaking Nagnakaw ng mga Cellphone sa QC at Taguig, Arestado

0

MAYNILA — Arestado nitong Sabado ang isang lalaki na umano’y sangkot sa pagnanakaw ng mga cellphone sa Quezon City at Taguig.

Ayon sa pulisya, hinuli ng mga security guard ang 25-anyos na suspek sa isang parking lot sa Bonifacio Global City sa Taguig bandang alas-5 ng madaling araw.

Makikita sa CCTV ang suspek na nakaupo sa tabi ng isang lalaking nakahiga. Nang walang nakapansin, kinuha niya ang cellphone mula sa lalaking nakahiga at saka pa-simpleng umalis.

“Inattempt ng ating suspek na habang tulog o habang natutulog ang biktima dahil sa kalasingan, kinuha niya sa dibdib ang cellphone at bigla pong umalis,” ani Police Maj. Judge Donato, Fort Bonifacio sub-station commander.

Nakuhanan din ng CCTV na habang naglalakad paalis ang suspek, sinundan siya at hinuli ng security guard na si Jan Michael Magtibay.

Ayon kay Magtibay, binantayan niya ang suspek nang mapansing nagmamatyag sa mga tao sa lugar.

“Pinatawag ko na sa operator ng CCTV na i-monitor ang taong ito kasi nga paikot-ikot. Then yun nga, dumikit siya sa lasing na nakahiga at kinuha ang cellphone,” kwento ni Magtibay.

Aniya, lumapit siya sa suspek para arestuhin at kuhanin ang tinangay na cellphone.

Makikita rin sa CCTV na sumama noong una ang suspek pero bigla siyang nagpumiglas at nagtangkang tumakas. Sa tulong ng iba pang security guard at bouncer sa lugar, tuluyang nahuli ang suspek at dinala sa Fort Bonifacio Sub-Station.

Narekober sa suspek ang tinangay na cellphone sa BGC at may isa pang cellphone na nakuha mula sa kanya na tinangay din umano niya mula sa Katipunan, Quezon City ilang oras bago pumunta ng BGC.

“Napag-alaman natin na ang isa sa mga cellphone ay isang iPhone 12 na naka-lost. Inamin ng suspek na kinuha niya ito bandang alas-2 ng umaga mula sa Katipunan,” ani Donato.

Agad tinawagan ng pulisya ang may-ari ng cellphone na ninakaw sa Katipunan. Ayon kay Michael Angelo Iballa, ninakaw ang kanyang cellphone habang nasa isang bar sa Katipunan nitong madaling araw ng Sabado.

“Nagsasaya kami ng friends ko around 2 a.m., tapos, suddenly di ko mahanap phone ko. Ayun, nadukot na pala. Kinontak ko yung bar kung pwede makita yung CCTV tapos nakita na same guy kung sino ang nahuli nila,” ani Iballa.

Kwento ni Iballa, natatawagan at nata-track pa ang kanyang cellphone makalipas ang isang oras pero kalaunan ay hindi na. Nagpasalamat siya na naibalik ang kanyang cellphone, na apat na buwan pa lang nasa kanya. Desidido si Iballa na sampahan ng reklamo ang suspek para wala na itong ibang mabiktima.

Napag-alaman din ng pulisya na nahuli na ang suspek noong Disyembre 2023 sa parehong modus.

“Tinatarget ng mga suspek ang mga lasing o mga nanggagaling sa mga bar. Ang modus na ito ay ang pagkuha nila ng taong lasing, isasakay sa taxi at doon na nila pagnanakawan,” ani Donato.

Pinaghahanap ng pulisya ang taxi driver na posibleng kasabwat ng suspek sa modus. “Ngayon, pinagdududahan natin na meron siyang kasabwat na taxi driver at ito’y bagong modus na binabantayan natin sa BGC,” dagdag ni Donato.

Mahaharap ang suspek sa reklamong alleged theft at nakatakdang sumailalim sa inquest proceedings sa Lunes. Binigyan ng Fort Bonifacio Sub-Station ng Certificate of Commendation ang security guard na si Magtibay dahil sa agarang pagresponde kaya nahuli ang suspek.

Isdang Tamban itinapon nalang ng mga mangingisda matapos na mag over supply

Isdang Tamban itinapon nalang ng mga mangingisda matapos na mag over supply umano sa Bayan ng Bulan Sorsogon. Makikita rin na may palutang-lutang na at nagkalat sa mga dalampasigan na isdang tamban.

(c) sorsogon infoventure

Security Guard Arestado Matapos Gahasain ang Menor de Edad na Anak

Arestado ang isang security guard matapos gahasain ang kanyang menor de edad na anak sa Quezon City noong Lunes ng madaling araw.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Ferdinand Casiano, station commander ng QCPD Station 9, dumulog sa kanilang istasyon ang kaanak ng 16-anyos na biktima kaya agad silang nagsagawa ng hot pursuit operation. Naaresto ang suspek sa kanyang pinapasukang trabaho sa Araneta Avenue, Quezon City.

“Nagreport po sa atin dito ang kanyang magulang kasama ang menor de edad na anak na sinasabing biktima ng panggagahasa. Ayon sa ulat, nakainom ang suspek nang maganap ang krimen, at wala ang ina ng biktima sa mga oras na iyon,” sabi ni Casiano.

Aminado ang suspek sa nagawang krimen. Dati na rin siyang nakulong dahil sa kasong serious physical injuries.

“Humihingi po ako ng pasensya sa pamilya ng aking asawa at sa aking pamilya, lalo na sa anak ko sa nagawa kong mali. Sobrang pagsisisi ko at kung bibigyan ako ng pagkakataon, babawi ako nang sobra-sobra,” sabi ng suspek.

Nakakulong ngayon sa Anonas Police Station ang suspek at nahaharap sa reklamong statutory rape.

5 anyos na lalaki, patay matapos pukpukin sa ulo, itapon sa dagat ng 14 anyos na kapatid

0

Sa ngayon, ang 14-anyos na lalaki ay nasa pangangalaga ng homecare facility matapos na umanong patayin ang kanyang sariling kapatid na lalaki sa Lapu-Lapu City noong Biyernes.

Ang insidente ay naganap sa Sitio Lawis, Barangay Suba-Basbas kung saan ang mga kapatid na lalaki, na may edad na 14 at 5, ay naglalaro.

Bigla raw, kinuha ng 14-anyos ang isang bato at pinokpok ang kanyang kapatid na mas bata, ayon sa pulisya.

Sa pahayag ni Police Lt. Col. Christian Torres na nang mawalan ng malay ang nakakabatang kaptid, itinulak niya ito sa may tubigan hanggang itoy malunod.

Batay sa imbestigasyon, galit ang binata sa ama ng mas batang kapatid.

“Naglagot siya kay sige siya gipalayas sa papa sa manghud,” ani Torres.

Natuklasan ng pulisya na ang nakatatandang kapatid ay anak ng iba pang kasama ng kanilang inang mayroon nang kaniyang sariling buhay at pagkakahiwalay.

Dahil sa kanyang edad, hindi siya mananagot sa krimen, kaya’t siya ay ilalagay sa home care facility.

Isinasagawa ngayon ang isang buong imbestigasyon sa insidenteng ito.

Pilipinas may bagong Ocean Tugboat na kayang sumaklolo sa ating mga Barko sa West PH Sea

May bagong katuwang ang mga barko ng Pilipinas sa pagbabantay sa ating teritoryo sa West Philippine Sea. Ocean tugboat ito na may water cannon, oil spill prevention, at puwedeng maglagay ng buya para markahan ang ating mga teritoryo.

from GMA NEWS

Neri Colmenares filed a petition for a Temp. Restraining Order to stop the Gov’t. from implementing the PUV Modernization

TRO VS PUV MODERNIZATION – Lawyer Neri Colmenares filed a petition for a Temporary Restraining Order that would stop the government from implementing the Public Utility Vehicle Modernization Program at the Supreme Court on Monday, April 29, 2024.
PHOTOS BY MIKE ALQUINTO